Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Friday, November 26, 2004

Playlist

Nitong nakaraang Linggo ng gabi lang...

Mga ilang minuto matapos ang ikawalo ng gabi, pinatugtog kong muli ang aking paboritong cd player. Kakatapos ko lang manood ng Rated K at Survivor : Vanuatu nun. Ganun naman lagi ang routine ko pag Linggo ng gabi. Pagkatapos manood ng tv e bukas agad ng radyo o pakinggan ang alinmang cd na mapag-tripan ko.

Sige. Nagsimula ng umikot ang cd ng true faith. Nagsimula na ring umikot ang mundo ko habang nakaupo sa may pintuan sa harap ng bahay namin...

Tamad na tamad talaga ko pag ganitong araw. Mabagal masyado. Kay tagal lumipas ng kada segundo.

Pinakapaborito kong parte ng bahay namin yung pwesto na yun.. yung uupo lang ako dun sa may pintuan habang kumakain minsan ng kornik o umiinom ng sofdrinks.. papakin man ako ng mga lamok, di ko alintana. Marahil may ugnayan ang dilim ng gabi sa gising kong isipan kapag ganitong gabi. Mas seryoso ko mag-isip. Malayung-malayo sa tahimik pero makulit at mahilig na mang-asar na ako tuwing kasama ko ang malalapit sakin. "Everybody needs sometime alone, " ika nga nila. Yun bang oras na nakalaan para sa sarili mo lamang. Tama nga naman.

Unang sumaliw ang himig na "Alaala". Sa pagsapit ng dilim... ang buwan at mga bituin... Sa pagpukaw ng umaga.. sinag ng araw ay kakaiba.. Bakit nga ba ikaw ang nasa aking alaala?.. *singing*

Magkunwari man ang iba, may lalim talaga ang iniisip ng lahat lalo pa't ikaw nag-iisa lamang at walang kausap. Sa gantong mga panahon ay bigla na lamang tayo nakakaisip ng mga seryosong bagay. O, sige. Ako na lang pala. Masyado kong nag-iisip kapag dumating ang ganitong mga pagkakataon. Syempre, meron pa din akong gusto.. meron pa din akong pinoproblema.. meron pa din akong pinapangarap.. may binabalak.. may inihahalintulad.. meron pa din naman akong nami-miss ( uyyy.. ano na naman ba ito? haha )

Sa oras ng 'yong pangangailangan.. sa oras ng 'yong kalungkutan.. gawin mo akong sandalan.. 'Yan nga pala yung track # 2 sa cd na pinakinggan ko.

Natanong mo na ba ang sarili mo kung bakit kahit wala kang ginagawa at nagpapahinga ka e parang may ginagawa ka pa rin kasi nag-iisip ka? Hindi? Pwes ako, oo. Kahit naman sa pagtulog 'no. Kaya ako nananaginip e kasi umaandar pa din ang utak ko. Naglalakbay ba. May toyo na kung may toyo. Nag-iisip lang ako.

Huwag na lang kaya *sipol* . 'Yan ang track # 3..

Nung gabing yun, wala nang gaganda pa sa aking tinatanaw. Nakatingala ako sa langit. Di ko man nakita ang mga ulap dahil saklob na ng dilim ang oras na yun, andyan naman ang mga bituin na kumukutikutitap, bumubusibusilak (ok, Pasko na). Pwera biro. Ayos silang pagmasdan nun. Ang dami nila. Sinubok ko ngang maghanap ng Big Dipper, Milky Way, basta yung mga constellation ngunit di ako nagtagumpay. Maniha lang siguro ko dun. Ang buwan naman ay pasulpot-sulpot dahil nahahawi ang ulap ng hangin.. hanging kay lamig sa pandama na habang umiihip ay tila humahalik saking pisngi.. halik na sana ay galing sa kanya.. yung tipong flying kiss tas hinipan nya kaya pakiramdam ko e may humalik nga sakin..haha

Teka. Sa iyong palagay, ilang mga bituin na kaya ang hiningan natin ng mga wish at ilan sa kanila ang tumupad? Wag na nga natin agawan ng trabaho ang mga astrologists at mga manghuhula sa Quiapo.

Fast forward tayo. Track # 12 : Muntik nang maabot ang langit.. at mahagkan ka saking mga kamay.. karapat-dapat nga bang mapasaakin?

Sa naaalala ko ay may kumagat na saking lamok ng mga oras na 'to.. haha. Swerte nun a. Type A ang natikman nya.. hehe

Kidding aside, makabuluhan naman ang mga inisip ko ng gabing iyon. Mas mainam mag-isip sa tahimik kesa sa magulo at maingay na lugar. Payapa din naman ang loob ko nun kaya ayos sa alright.

Sa kanyang mga ngiti, ako'y sumusuko.. Naisip ko lang. Ako kaya? May humihinto kaya ang mundo pag nakikita ko? May tao kayang gustung-gusto ko makita? Meron kayang isang sulyap lang sakin ay busog na sya? May tao kayang may "hots" sakin?.. Ok. Wag na tayong magpaliguy-ligoy pa. May nagnanasa kaya sakin? Mmm, parang ang pangit pakinggan ng sinambit ko a. I-revise natin. Meron kaya na may crush sakin? Parang gusto kong kilabutan sa statement ko na 'to a. Haha. Magba-blush na nga lang ako. Uuyyy. Seryoso nga. Naisip ko lang po yan. Walang halong malisya.

***palit ng cd.. eraserheads anthology.. disc 1.. volume level 4***

Ligaya
Pare Ko
Minsan
Kailan
With A Smile
Huwag Mo Nang Itanong

Sa totoo lang, mas ok yung disc 1 sa disc 2 nila. Kasi halos mga English na kanta ang nasa disc 2. Di pa naman ako bihasa sa banyagang salita. Haha.

'Yan lang ang mga kantang pinatugtog ko nun. Mahilig kasi ko sa kanta na napapag-isip ako. O, kitam. E di inamin ko din na mahilig ako mag-isip. Actually, mapakahit anong bagay man. Kahit tula, kanta (yun na nga), sitwasyon, kwento.. basta mapapag-isip ako tas sa bandang huli ay mapapa- "Oo nga ano.." ako. Yung tipong di-obvious at sa kasimplehan e nalimot na natin o binalewala na lang. Patok sakin ang mga bagay na ganyan.

Di naman ako nagmamarunong. May mga bagay din ako na di nage-gets agad agad. Yung tipong "it takes time before I get it" na tema. Syempre, alam mo na. Minsan di ko napupukpok o nalalangisan ang ulo ko. Joke.

Sa pagpapatuloy, kumportable naman ang aking pagkakaupo sa sahig ng aming bahay habang nakasandal ako sa may bisagra ng aming pintuan. Bawat isang kurap. Bawat isang langhap sa hangin. Bawat isang kunot ng noo.. naintidihan ko na nga ang kung anu-anong naiisip ko. Mainam na din yun. At least, gumagana talaga utak ko.

Masaya din na mag-isa kasi dun mo maiintindihan ang sarili mo. Dun mo makikita ang mga bagay na nangyari na sayo. Parang flashback. Yung parang movie trailer. Isa-isang umuusad sa kalangitan. Habang di mo namamalayan na may sampung segundo ka na palang di na-e-exhale. Mapapabuntong hingina ka na lang. Tas ngiti ang kasunod.

Hayy.. dinalaw na rin ako ng antok nun. Pinatay ko na yata yung player mga bandang alas diyes y medya. Eh, malimit na ang oras ng pagtulog ko, e mga bandang alas dose. Kaya nanood muna ko ng tv nun.

Pag may bago kasi kong cd e nagagasgas sa kakapatugtog ko yun. Di naman yan drama. Malimit kasi na sa gabi ako nakakapag-isip ng mga bagay na seryoso. Ewan ko kung ano meron sa gabi. 'Yan din ang paborito kong parte ng araw. Karaniwan kasi, pag nagpapatugtog ako ng cd e nakaupo lang ako, o kaya pag naglilinis ng bahay, o kaya pag may kinukutingting. Kaya pag wala akong ginagawa habang nakikinig e parang meron na din akong ginagawa kasi nga nag-iisip ako.

Masarap namang mag-isip. Masarap din makinig ng music. Sige. Try mo. Isipin mo ko. O, di ba? Anong sarap. Para kong musika sayong gunita. Haha.

Ngiti naman dyan. Pinatatawa lang kita. Masyadong seryoso ang buhay para seryosohin 'no.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 1:51 PM