Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Saturday, November 13, 2004

Meet and Greet Hanskyut

Nobyembre a-dose ng taong kasalukuyan, mga bandang alas nuebe y medya ng gabi nangyari ang lahat..

medyo nagulat din kami kasi agad naming nalaman na uuwi pala galing sg si kuya hans.. bago magsimula sa panibagong trabaho e may ilang araw muna syang pede magbakasyon sa kanyang bansang kinagisnan (ang seryoso o..)

tapos, yun.. sa pex, ym at text lang nag-usap.. nag-text kasi sya na andito na sya sa pinas.. tas pinapaalala na tuloy daw yung gimik sa friday..

si jaja and denise e nasa uste pa.. si mayk nasa work ganun din ako.. kaso ako ang unang nakarating sa el pueblo.. hinanap ko pa kasi.. kasi nga di ko alam yun.. perstaym na naman..haha!

tumayo na lang muna ko dun sa may harap nung japanese retaurant kasi wala akong mapwestuhan.. tas tumawag na si kuya hans at nasa megamall na daw sya.. punta na daw sya el pueblo.. kaya intay na lang ako ng sandali.. siya na pala yung nakita kong dumaan kaso di ko na tinawag baka kasi magkamali ako.. kaya tinawagan ulit ako tas sinabi ko kung san ako nakatayo.. ayun, nagkita din kami.. kwento kwento lang muna habang hinihintay pa namin yung tatlo..

..tas si mayk naman ang tumawag ke kuya hans.. nasa taas na daw sya. sa congo grille.. kaya ayun, kinawayan na lang namin mula sa baba.. tas dumating na din sila denise at jaja.. nag-bless pa nga ke kuya hans..hehe..

umakyat na kami sa congo grille para kumain kaso madami pa ang naghihintay kaya sa yellow cab pizza co. - st. francis square kami napadpad.. perstaym ko din kumain sa lugar pero nakakain na naman ako ng pizza nila noon pa.. ngayon lang ako kumain sa loob ng yellow cab :p

tas upo kami.. si jaja and denise na ang nag-order.. pagka-order e lumabas muna sandali sina jaja and denise kaya nung tinawag ang name ni jaja e kami na ni kuya hans ang kumuha ng spaghetti.. tas pagbalik nila jaja e sila na kumuha ng new york style (yata) pizza at sola iced tea. kain-kain.. kwento kwento.. tas picture :D .. yun syempre ang di mawawala.. dala pa naman ni mayk ang digicam nyang jvc at naka- canon digicam si kuya hans.

kelangan ko pa bang sabihin ang mga suot nila e nasulat ko na dati yun nung gumimik kami nung oktubre? o, sya... sige na.. malakas ka sakin e..





"quasi-cousin" daw ako ni denise kasi pareho kami ng last name..


********

si kuya hans, ang panauhing pandangal.. kapwa tomasino namin nila jaja and denise.. naka-blue polo shirt, maong at may bag na fitness first.. pero ang ok sa kanya bukod sa kanyang hi tech na digicam e ang kanyang brown leather shoes :) .. halos magsinglaki din sila ni mayk tas parehong gym built (bahala na kayo mag-isip)

si denise e naka-black shirt at may backpack..




gym built



si mayk e naka puting polo shirt na may red stripes at red collar tas blue giordano cap..if i may add, walang humpay si boy diga ke jaja..haha.. hanggang dito pinipilit ko pa rin no?

si jaja e naka shirt na may blue stripes tas may collar din

at ako e, wala lang..haha!




ang cute nung naka-white shirt!!!! haha!


syempre with the special participation of cy and jomark..

si jomark nag-text na lang kasi di sya nakapunta at busy..

si cy naman e lalong di makakapunta kasi nasa kabilang ibayo pa sya naroroon.. kaya naman siya ang bumili ng prepaid card para matawagan namin sya.. ayun... di ko alam ang mga sinabi nya nung kinausap nya yung apat.. pero pagdating sakin.. kakasabi ko pa lang ng "hello.." e ang banat baga naman sakin e.. "ulul... ulul..arnulfo.." tinatanong ko pa nga kung kilala nya ko tas tawa lang ng tawa at puro ulul ang nadinig ko.. buset ka cy..haha!

********



inside yellow cab pizza co.


pagkatapos kumain e picture ulit.. tas binigyan kami ni kuya hans ng chocolate na may almonds at cds.. mp3 ng true faith.. pero akin ang pinaka-ispeysyal kasi burned cd ang akin.. cd player lang meron ang inyong abang lingkod e..kaya pala may dalang bag si kuya hans kasi sya ang santa klaws nun..haha!




nakakasira sa diet nilang apat ang chocolates e..kaso syempre mabaet ako kaya di ko kinuha yung para sa kanila



ayun, pinasulat ko din sya dun sa book na dala ko nung oct.. tas binigay na ni jaja yung card at brownies from starbucks..

tas labas na kami dun.. magpapakuha kami sa guard ng pix kaso na-conscious ata ke jaja.. nahiya ba naman..

kaya pinatong na lang nila yung mga cam sa motor na pang-deliver..



kuya hans, jaja, denise, arnold, mayk




naka-freeze ang mga ngiti kasi naka-stand by ang mga hi tech na digicam nila mayk at kuya hans




di halatang busog na busog, noh?



tas hintay na kami ng taxi para makauwi na.. si jaja ang nakikipag-usap sa driver.. at nung mainit na ulo ni jaja kasi namimili ng lugar yung mga driver e pagtanggi nung isang driver nung sinabi nya na marcos highway ang daan pa-marikina.. e di pinakita ni jaja ang lakas nya.. para syang naglaro ng pog.. ang laks mang-slam.. haha.. sana di yan maranasan nila mayk and cy.. uuuyy..hehe

ayun, naunang nakasakay ng taxi sina jaja and denise tas si kuya hans naman.. mas nauna kong nakasakay ng bus ke mayk sa edsa kasi taxi ang kukunin nya sa may crossing..

nakauwi ako ng bahay mga 1:20am na.. pero bago matulog e pinakinggan ko muna yung cd na bigay ni kuya hans.. mantakin mo nga namang ang first track dun e "Alaala" . what a coaccidence..haha

kaya kulang pa ko sa tulog hanggang sa mga oras na tinitipa ko ang keyboard ng pc na to.. maaga din kasi pasok ko..

uy, baka malimutan ko. naiwan ko nga pala yung chocolate dun sa kwarto ng nanay ko.. malamang na nilalantakan na yung ng kapatid ko..buhuhu.. sana matiran ako..

.. reved up after our dinner last night posting this story of my first ever gimik in the ortigas area





sabi nila life is a piece of cake.. iba na ngayon.. pizza na..haha! at may kasama pang spag at iced tea..



burp! see you on dec 18...


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 2:04 PM