Si Arnold Nung Weekend
Ay, medyo mahaba ang nakaraang weekend ko. Off ko kasi sa trabaho tuwing Linggo at Lunes. Tapos, naka-leave ako nung Martes. Bale tatlong araw din na pahinga yun. Teka. Sinabi ko ba, e pahinga? Mali pala. Medyo busy pala yung nakaraang weekend ko.
Sunday yung talagang nakapahinga ko ng husto. Mga 2 a.m. na ko nakauwi galing sa trabaho. Nakipag-chat pa kasi ko sa kaibigan ko. Bumili pa ko ng 12pcs na munchkins sa may terminal ng fx. Sa bahay ko na yun nakain kasi di ako bumili ng panulak. Baka mabulunan ako sa sasakyan. Nakakahiya naman yun.
Maluwalhati naman akong nakauwi. Ngayon, di na ko takot dumaan sa may eskwelahan kahit madaling araw na ko umuuwi. Kasi bago ko makarating samin e sa may highway ka bababa, dun sa may gate ng eskwelahan. Tas dun ka papasok papunta sa kalsada na daanan samin. Dati kasi naiisip ko yung mga nakakatakot na istorya tungkol dun sa eskwelahan kaya natatakot din ako. Dun tuloy ako bumababa sa kanto sa bungad ng baranggay namin. Tas lalakad ako ng mga 2 kilometro lang naman. Idagdag mo pa yung mga asong hahabol sakin. Opo. Duwakang ako. Pero ngayon, di na masyado. Kasi iniisip ko na lang na pag dumaan ako dun e may sasagip naman sakin. Andyan si Volta, si Lastikman, si Krystala.. Haha. Daming superheroes ngayon, a. Joke. Hindi. Nagdadasal ako ng "Guardian Angel" pag ganun.
Pagdating ko ng bahay e kinain ko muna yung munchkins. Anim lang nakain ko. Busog pa din kasi ko. Ang dami kasi naming kinain sa office. Tapos, sipilyo, palit ng damit, kinig muna ng cd...tas finally, tulog na ko.. haayy, sarap.
Akala ko lang pala masarap ang tulog ko. Kasi ba naman ginising agad ako ni mommy ng alas 8 ng umaga. Ayoko pa talagang bumangon nun. Kaso andun yung barkada ko na ikakasal para ibigay sakin yung invitation. No choice but to get up. Up, Arnold, up. Haayy, sakit sa ulo.
Pareho lang naman lagi pag Linggo. Patugtog ng cd o kaya nood ng tv while lying down our sofa and scratching my balls. Sige, nood, kinig, isip hanggang sa maghikab. Pero ang pinakamatindi nun e lahat ng pera ko nautang. 5K pa naman yung na-withdraw ko kasi may family member na naghiram sakin ng 2K. Yung 3K sana e pambili ko ng sapatos. Kaso nautang naman yun ng kaibigan ko. Sobrang importante kasi. Eto naman ako, for the sake of friendship, sige. (Drama king statement #1)
Natapos ang Linggo na ang laman ng wallet ko e P180 na lang.
******************
Maulan kinabukasan, Lunes. Balak ko talagang lumuwas kaso tinatamad ako. Pero, yun. Tuloy pa rin ako. Past 10 na ko nakaalis. Pagdating ng Makati, sa SM muna ko naglibot. Di ko pa kasi nalilibot yun kahit na dun ako dumadaan halos gabi-gabi pauwi galing office. Una kong pinuntahan ang isa saking dalawang paboritong parte ng SM, ang Toy Kingdom. Tumingin lang ako ng mga laruan. Syempre, kaya nga Toy Kingdom e laruan ang andun. Tapos, hanap na ko ng gusto kong rubber shoes. Adidas talaga target ko kasi mas mura yun kesa sa Nike, e. Hehe.
Bumili muna ko ng Bench Hairlastic tas punta na ko ng Standard para mag-withdraw. Pagkagaling dun, sa BPI naman ako pumunta para i-deposit yung konti. Basa na ko kasi naulanan na ko.
Pagkatapos nun, nag-internet naman ako sandali sa Netopia. Sandali lang talaga kasi P87/hr. ang bayad ng non-member. Ise-save ko lang kasi yung pix sa Yahoo photos ko sa diskette. Pagka-save , punta ko ng Florofoto para ipa-print. Kaso nakaka-apat pa lang na pix ang na-upload ng machine e nagha-hang na. Atat na atat pa naman akong ma-print yung mga yun. Di ko tuloy maayos album ko.
Lumibot na lang ako. Hanap ng sapatos. Nakahanap na ko pero 3 pinagpipilian ko. Yung dalawa e halos magkamukha lang. Parehong may white, blue and grey. May orange kasi yung swelas kaya nagdalawang-isip ako bilin. Yung isa e white and grey lang ang kulay.
Mga 3pm ng kumain ako ng lunch sa food court ng SM. Yung sa dept store at isang store sa Glorietta, isa na lang yung natitira na size ko sa kanila. (Kunwari pa. Tinamad lang siguro maghanap.) Di kasi pulido yung pagkakadikit sa swelas kaya di yung sa kanila ang kinuha ko. Punta kong Landmark kaso wala sila nung style na gusto ko. Sa Toby's - Glorietta ang bagsak ko. Dun ako nakabili ng Adidas Bigshot Logo na may 10% off.
******************
Martes - kasal ng isa sa mga barkada ko. Nasabi ko bang abay ako? Ako yung nakatoka sa veil.
Nung parte ng nakaluhod na sila, yung mga kinakasal, tas may veil at cord na, naisip ko na kung ako kaya yun. There I was..thinking that was my special day. Napansin ko na lang din na di ako kumukurap at humihinga. I was like struck by lightning. Anak ng teteng. Ayan na naman. Bumabalik na naman yung "kuryenteng" nabanggit ko nun.
Nakwento ko na kasi sa tropa ko sa PEx yung tungkol sa kasal. Isang gabi kasi pauwi, habang nakasakay ng bus, bigla na lang kasal at pag-aasawa ang sumuklob sakin. Ang layo talaga ng tingin ko nun. Puro tanong. Puro baka. Puro siguro. Naisip ko kung kelan ako magpapakasal.. san ako titira?.. kumpleto ba gamit sa bahay?.. yung pakikisama sa in-laws?.. at ang mas malupit , sino ang papakasalan ko? O, baka naman wala akong ka-match. O, kaya di ko makita kasi naghihintay lang ako, di ako naghahanap.
I know there's someone out there for me. (Drama king statement #2) Alam ko na sa pagsakay-sakay ko ng fx.. sa pagkapit ko sa handrail ng mrt.. sa paglalakad ko sa Ayala.. meron isang magpapahinto ng mundo ko (Drama king statement #3); may isa na pagtinignan ko, s'ya lang ang may glow habang ang paligid nya ay black and white (Drama king statement #4); yung paglumalakad s'ya papalapit sakin habang inaayos ang buhok n'ya e para s'yang nagso-slow motion (Drama king statement#5); then, she will give me a sweet smile that would take my breath away. (Patay tayo dyan! Nakakarami na ko ng points)
Nung kasal, yun din ang mga naiisip ko lalo na nung nasa reception kami. Ang kasama ko kasi sa mesa e yung tita ko na nanay ng isa naming barkada. Tamo, a. Isipin mo na lang, kung may girlfriend sana ko e siya sana katabi kong kumakin. Naisip ko na sana ay may kinukulit ako dun. May kinukuha ko ng pagkain at tubig. May sinusubuan sana ko (PDA na 'to). May picture sana kaming dalawa sa fone ko. May nag-ayos sana ng pagkaka-tuck in ng t-shirt ko at yung lukot sa barong ko. May nagsabi sana na magulo ang buhok ko at mag-ahit ako ng bigote. Haayy..ikaw kasi, e. Isa kang torpedo. Ke guwapo mo pa naman. Sayang ang genes mo 'no. Hehe.
Ayan na ang mga pinagkaabalahan ko sa loob ng tatlong araw. Di ko na sinama dyan ang pagpunta ko ng supermarket ng 2 beses kasi ang haba na. Nakikinig ako ngayon ng cd ko ng True Faith. Umuulan kasi kaya eto. The rain brings out something in me. It spells drama, emotion, memories, moments.. roll them into one.. a fallen tear and a thousand sighs sealed with a nice smile. That was my weekend, everyone. 'Til my next post.
P.S.
Nga pala. Tapos na yung ulan. May isang bituin sa taas ko ngayon. Isa na namang dahilan yan para ngumiti ako ngayon.
posted by Arn at 11:11 AM
|
<< Home