HOW TO CONTROL EMOTIONS
This is the exact email that was forwarded to me. Italicized yung post ko tungkol sa email na 'to. HOW TO CONTROL EMOTIONS...daw (my own version)
Hello friends!
This would give you guides on how to control your emotions towards your better-half, friends, officemates and all the people around you, especially your boss. The rules of practicing 'ugaling langit, ugaling kaaya-aya':
Still, in handling your emotions, there are rules and guidelines?! How Thai in a Box..haha. Ugaling langit, ugaling kaaya-aya? Would you mind if I object? Ok, I object (I'm saying that with conviction.)
#1 Ang naunang magalit ang may karapatang magalit. Pag naunahan ka na ng galit niya, tumahimik ka na lang muna.
Pwede. Ayos sakin yung second sentence. Yung una e di ako makakapayag nyan. Lahat may karapatang magalit. Eh, galit ka, e. Pwede kang magtimpi at magpigil pero pag di na talaga kaya, e ibang usapan na yan. Sabi ko nga, galit ka. So, magalit ka. Mahirap din na itago ang nararamdaman. Pero magalit ka naman sa magandang paraan. Tipong di ka mag-iiskandalo o mahinahon pa din o makipag-usap ka ng masinsinan at yung kasama mo lang e yung taong involved. Sa totoo lang, mahirap pigilin ang galit. Mas mahirap pag naipon iyon. Para ka na lang bulkang sasabog. Kaya kung sinabi na ang naunang magalit ang siya lang may karapatang magalit, aba, dapat handa ka na (yung di naunang magalit) na magkaroon ng heart attack anumang oras.
Yung second sentence e totoo. Bakit? Di lang magandang tignan na you still keep your cool sa ganyang sitwasyon, di ka pa magmumukhang kontra-bulate. Di ka magkaka-wrinkles. Di mapapasukan ang bibig mo ng kung anong bagay kakasalita. Di ka mauuhaw. Joke. Seryoso na. Kasi kung dalawa kayong sabay na nagsasalita e di kayo magkakaintindihan. Alamin muna ang point ng isa bago sumagot kasi baka mamaya e di kayo magkaintindihan at maging paikut-ikot lang sa isang topic ang sagutan nyo. Buksan muna ang tenga bago ang bibig.
#2 Walang taong nag-aaway mag-isa. Pag hindi kayo sumagot o pumatol, titigil din daw ang taong nakikipag- away sa inyo.
Meron. E, kung nagdadalawang-isip ka. Di ba malinaw na nagtatalo ang thoughts at ideas sa utak mo?
Yung second sentence pede nang palusutin. May iba na pag nagpasawalang kibo ka na lang e napapagod din at tumitigil sa pang-aaway, given na ang umaaway sayo e kilala mo na talaga o ka-close mo na. Naiintindihan na nya na you need space that's why you are quiet. In short, N.R. lang sya nun.
#3 Ang taong galit, 'bingi.' If someone is angry, wala raw pinakikinggan, so, don't try to explain and fight back. Hindi ka niya iintindihin dahil wala siyang naririnig kundi ang sarili nya.
Pwede din mangyari 'to. Kung ga-megaphone ba naman ang boses ng umaaway sayo e di malabo na pareho kayong mabingi. But if you'll take a closer look, all he/she (the angry person) wants is to express his/her feelings (cliche na 'to). Outburst of emotion kaya siguro sarili lang nya nadidinig nya pag galit sya. Di ba pag galit ka gusto mo may makinig sa'yo o may mahingahan ka ng sama ng loob ng gumaan naman ang pakiramdam mo. Sabi ko nga, kung balak mong hakutin ang dugo mo sa dibdib mo at magka-heart attack ng di oras, pigilin mo ng pigilin ang galit mo.
#4 Ang taong galit, 'abnoy.' Ayon sa pastor, Biblical daw ito... because the Lord said when He was crucified, "Father, patawarin mo sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa."
Dyan tayo yare pag gimamitan na ng Biblical passages. Nobody will win kung debate sa religion at paniniwala ang usapan. Kung ang taong galit e abnoy, e di lahat pala tayo e naging abnoy di lang isang beses sa buhay natin? Kaya nga may second chance to get better. May panahon tayo na magbago. May choice tayo na alamin ang ginagawa naten. Tao tayo. Di perpekto. Eh, sa taong di nagagalit walang tawag? Bias mo naman. May bansag ka sa tao pag nakikitaan mo ng masama. Kaya eto na lang masasabi ko sa'yo, "Mabuhay ang mga abnoy!" Kung nagalit ka, abnoy ka na din.
Modern term for these kinds of people are abnoys, so you better not get angry para huwag kang matawag na abnoy.
Getting angry once in awhile, in a proper time and situation, is healthy. That's what I believe in. Pent up emotions are harder to deal with than mere anger in a given day or situation.
You should also know and realize that the persons who make your day bad are jewel, because you need them for you to mature.
For me, these people are more than just jewels. They give a certain reflection of myself. Kaya siguro ganyan ang trato nila sakin e ganyan din ako sa iba o sa kanya. Karma sa mas madaling salita.
Hangga't andyan daw sila at kinaiinisan mo, ibig sabihin, immature ka pa.God will not take away those people; it's for you to take away your bad feelings towards them.
Hangga't andyan sila at naiinis pa rin ako, ibig sabihin na I haven't moved on. I'm not ready to give out that "Peace be with you" smile. It takes time to do some things. I know I do not have forever to fix my issues but only time could heal the past, ika nga.
Yes. God would not take away the people we're angry with. I think He's just waiting for us to realize how important it is to learn from our experiences.
You'll know na mature ka na pag dumating 'yung time na hindi ka na naiinis sa mga taong ito because you have learned to accept them and to have patience with them.
Mas mahirap siguro kung magagalit ako sa isang tao na sa bandang huli e di ko naman pala alam kung bakit aka nagagalit sa kaniya. Magigising na lang isang araw na di ko alam ang pinagkukunan ng galit ko. Magtataka na lang siguro ako na nakalipas na pala yung galit ko tas may galit pa din kasi ayaw kong makipag-ayos.
Sabi nga sa nabasa kong quote sa libro, "You'll never get ahead if you're trying to get even." Kung wala na talagang solusyon, e get busy. Work harder. Libangin mo sarili mo. Try a new sport. Discover a new hobby. Malay mo, sa gantong paraan e biglang isang araw, magaan na ang pakiramdam ko tas happy person na ko. Makikipagbati na ko sa kagalit ko.
#5 Finally, the best part of this is to tell yourself na, because of this person, "I will grow mature," and that DAHIL SA CONTRIBUTION NIYA SA MATURITY MO, KUKUNIN DIN SYA NI LORD.
Galit ka (author neto) nung sinulat mo 'to no? Eh, ba't may "kukunin din siya ni Lord" dito? Natatandaan ko sa tv show na Smallville, sabi ni Lionell Luthor, "A person is at his weakest when he's mad." True indeed. We tend to be controlled by our anger. A sudden rush of emotion could mean danger.. or even hurting the other party physically and/or emotionally.
"I will grow mature." So, this is maturity? "Kukunin din siya ni Lord."? I would rather stay as a little boy who could be so honest with his feelings, especially when saying sorry and thank you, than to be your definiton of maturity.
Well, reading this made me better. I got a clearer view of myself. Thank you. That's the little boy in me talking.
So, to you who started this writings, get mad at me. Then, let me see how you control your emotion.
P.S.
Sabi ko kanina na pati controlling your emotions e may guide pa. Tas eto ko ngayon nagpo-post ng kung anuman. Reaction lang 'to dun sa email. Di ako nagsa-suggest na ganito gawin nyo kung galit kayo. Pero kung gusto nyong gawin e sino ba naman ako para pigilan kayo?
O, siya. Itagay mo muna...
Usapang lasing pala ang loko 'no? Haha
posted by Arn at 1:24 PM
|
<< Home