When Sponteinity Strikes Me
This post has been long overdue since I still have to wait for Goldi to get my camera phone photos uploaded and be posted here. She took a very long vacation leave from I don't recall when. Hehe! For the nth time, thanks to her for allowing me to use her resources (e.g. blue tooth dongle, pc, internet connection, time, etc.).
So, let's go on with my post.
May 28th, Saturday morning. I decided to take an extended hour in the office surfing the net since the mall was still closed at 9am, my log off time. Ok, the following pictures would show how one thing led to another and another and another. Just scroll down.
Trip lang. Nakababa na ko sa ground floor, eh. Eh, di ko gaanong nustuhan yung mga pix na nakuha ko tsaka di ko na-rotate yung picture. Kaya press ulit ako ng 12/F para my time ako na kunan ang sarili ko. Pagdating ko nga sa 12/F, may bababa pala. Pero press ground floor agad ako. Di ko sya pinansin. Haha! Ngayon ko lang naisip na souvenir ko picture ko to sa loob ng elevator ng Philam kasi lilipat na kami ng building. Sentimental value baga? Tsaka bago kasi yung tsinelas ko, eh. Gusto ko ng full body na kuha. Haha!
Taken inside the chapel in Greenbelt. Nagdadasal naman ako kahit na papaano. Dito ko nga hiniling ng hiniling ng hiniling nun na mabalik ang a.m. shift sa account ko. Nagkatotoo naman. Nakapamili na nga ako ng bagong sked kaso na-postpone ang balik-a.m. shift. For the meantime, stay graveyard sked pa din kami.
Left : The altar. As most of us know, this is where the priest or a seminar speaker stand during mass or a talk. Notice the lady touching the statue of Mama Mary. We, Catholics, are so used to that. I, honestly, feel something different when I pray and then touch one or two statues inside a church. I usually hold the feet or the hands, then I smile. But when I wished for that a.m. schedule on my account, I just knelt and sat on the pew to say my prayer. I never had the guts to go up front and touch the images. In my chuch, there are statues before you exit the place. Those are the ones I befriend. I do not really go to the altar.
Right : I think that was a stained glass of Jesus. It was just right above the center of the altar.
Naisipan kong kunan ang mga paa ko habang nakaupo ako doon sa loob ng chapel. Ang sakit na din kasi simula pa nung gabi. Masyadong matalim yung strap ng tsinelas. Nagpaltos nga yung parehong tagiliran ng mga paa ko. Kita mo yung namumula sa magkabilang parte? Wawa naman. *hikbi*
Pero kung may ganyan din kayong sapatos o tsinelas na masakit sa paa, eto tip ng kapatid ko. Kiskisin nyo ng kandila yung parte na yun. Basta kiskis lang ng kiskis hanggang maupod yung kandila este hanggang sa tingin mo, eh sapat para maisuot ng maayos. Epektib naman kasi makailang ulit ko nang sinuot yan matapos anuhin ng kandila, eh di na ulti ako nagkasugat. Excited ko kasi masyado isuot nun, eh. Tsk!
Pano ko ba ina-narate kung pano nangyari sa mga bibe na ito? Napagsunud-sunod ko yung pictures, eh. Eto na lang. Simula dun sa upper left corner, pa-zigzag yung pagtingin nyo, uki?
Pic 1 : Tamang-tama na paglabas ko sa chapel, ang mag ito ang bumungad sakin. Di ko nga alam na may bibe pala sa Greenbelt. Tsaka yung gate na nilabasan ko sa chapel, eh di naman talaga ko dun lumalabas pag nasa chapel ako. Bale yung picture ng mga bibe na nasa damuhan pa, eh yan ang lugar kung saan ko sila inabutan.
Pic 2 : Nagkumpol-kumpol na sila kasi may dalawang bata na humabol sa kanila. Kainis nga kasi nasira yung pagkuha ko ng magandang angle para kunan sila, eh. Ang mga bata talaga.
Pic 3 : Iyang apat na bibe na nasa tubig ay ang pinakahuling lumundag para matakasan yung dalawang bata. Dun sila dumaan sa ilalim ng tulay kung saan ako nakatayo at sila'y pinagmamasdan.
Pic 4 : Yung ibang sa kanila ay nakarating dun sa dulo ng pond. Di na sila makasagad pa kasi may parang hose na may lumalabas na tubig dun sa dulo.
Pic 5 : Ito ang pinakagusto kong kuha ko sa kanila kasi kuhang-kuha yung paglangoy (Tama ba? Lumalangoy sila.) nila. Pati yung alon ng tubig, kita dito.
Pic 6 : Dito naman, patungtong na yung iba sa malaking piraso ng kahoy. Malamang magpapatuyo ang mga ito ng balahibo. Kita mo ba yung tulay sa may bandang kaliwa nung pix? Dun ako unang nakatayo nung kunan ko ang pic 1, 2 at 3. Para sa pic 4, 5, 6 , andun na ko sa isang mas ok na tulay.
Napakanta nga ako dito ng, Oh, my bibe, bibe, bibe.. my bibe, bibe...
Napagod ako sandali at naupo dun sa steps ng hagdan pababa sa may chapel. Naisip ko din kasi na di ko na nasubukang maupo dun maski na 5 minutes lang. Tapos, wala pa kong picture dun. Kaso nahiya naman ako sa mga dumadaan na kunan ang sarili ko. Kaya pasimple na lang ako na kinunan maski na kabiyak ng katawan ko. Ayan ang aking paa, kaputol na binti't kamay na may taban na tsaa. Uy! Healthy, ah.
Pero dapat kasi serious ang dating ng pagsasalarawan ko sa picture na ito. Alam mo yung matapos mong mapagod lalo na kung nasa siyudad ka, makukuha mong maupo maski sa ilalim ng isang puno (Wala na palang puno dito sa city.) o waiting shed (Naku. Baka mapagkamalan ka namang nagbebenta ng aliw.) Pero seryoso na. I'd just sit there and watch God's other creations move infront of me, across my eyes.. living.. struggling.. smiling.. Di nyo ba ma-visualize? Wala kasi yung mata ko sa picture, eh. Di bale, next time may muhka na yang katawan. Hehe!
Clockwise: Yung unang picture na maluwalhati pang nagsisilanguyan ang mga goldfish (Ay, carpa ata ang mga 'to, eh.) sa ilalim ng tubig. Ang mga sumunod na mga pictures ay yung nagkagulo na sila sa ipinakain kong dinurog na Dewberry tart. Kung yung mga bata, binulabog yung mga bibe. Ako naman, ginulo ko yung mga isda. Ang mga bata talaga ngayon, pasaway. Hehe!
Before leaving the area and heading to Glorietta, I surprisingly found a lotus plant floating somewhere in the pond. Di pa nga ito gaanong namumukdkad.
May 30, Monday. Dapat tulog ako ng araw na ito. Eh, naka-leave ako til Wednesday kaya may oras na naman ako na pumasyal sa simbahan pag Lunes. Nakasanayan ko na kasi na tuwing Lunes pumunta ng simbahan. Wala kasi gaanong tao. Nakakapagdasal ako ng maige. Mas gusto ko lang talaga ng di crowded.
Basilica Minore. Mas kilala siya sa tawag na Malolos Cathedral. Di ko na matandaan kung kailan ako huling nagsimba dito. Mas gusto kong magsimba ng regular day. Tipong 6pm ng Miyerkules o Huwebes. Basta ordinaryong araw. Di kasi matao yun. Mas iba pakiramdam ko. Ngayon kasi nakakain na ng trabaho ang halos lahat ng oras ko.
Statue of Jesus lying inside a suppose to be coffin. Eto yung Jesus after he was crucufied. Most people slide their hand inside the small opening, just right were the left hand is seen, to touch the figure. Some wipe [H]im with a hanky.
My faith. The candle costs P2. You just have to drop the coins on a box. Then, get the number of candles corresponding to your contribution. Dati sobra yung sinisindihan kong kandila maski na dos lang ang hulog ko. Pero ngayon, hindi na. Dinadasal ko din yung mga nakapaskil na mga dasal sa harapan ng lagayan ng kandila ("Prayer Before Lighting the Candle", Prayer to St. Theresa for the souls in purgatory, another prayer for the souls in purgatory and of course, my own personal prayer and intention). Yung statue ni Jesus at mga candles ay nasa Adoration Chapel sa gilid ng cathedral.
Medyo iwas lang yung mga daliri ko kasi napapaso ako dun sa apoy ng ibang mga nakatulos na kandila, eh.
Sina Kookai at Xixa nang i-sandwich ako para magkasya kami sa picture. Kuha yan sa labas ng Jollibee samin. Plano kasi namin na magkita-kits ng June 2, Tuesday para sakto sa leave ko. Kaso na-cancel kasi nag-tour si Kookai sa china at Hong Kong. Pero bigla siyang nag-text ng araw na 'to (June 30) tinatanong kung tuloy ang lunch namin. Kala ko kasi di na tuloy kaya nagpunta ako ng crossing para bumili ng mga lock ng pinto. Ayun, nag-meet na lang kaming tatlo dun sa kainan. Huli kong nakita si Kookai sa dinner namin ng mga college barkada sa Gerry's nung Oktubre. Si Xixa naman huli naming nakita June last year pa ata. Kumain kami tapos tumambay kami sa bahay nila Kookai pagkatapos. Binigy pa nya kami ni Xixa ng pasalubong nya na t-shirt at candies from HK. Dalawa 'tong pix namin na 'to, eh. Kasi ang pangit ng kuha ko sa isa. Sabukot ang buhok ko. Kaya marapatin nyong sarilinin ko na lamang. Hehe.
Tinigyawat si Kookai kasi GY shift din sya sa work nya sa isang call center sa The Fort. Si Xixa naman ay di nag-ahit ng facial hair. At ako, tangleful na buhok. Haha!
Ang ibinibida kong t-shirt that reads, "I am lost in Hong Kong"
Kiddie Meal Toy. Star Wars' Darth Vader. I am not a fan. But all for the love of those fast foods meal toys, I bought a souvenir on this promotion. The lightsaber was really glowing. Sana available pa yung Yoda toy.
As for the last picture, enjoy the kids (consider Dagul) of Goin' Bulilit, Channel 2's best gag show since Ang TV. I am a fan of these kids. A big ad was actually posted on one of the coaches of the mrt.
Yan lang po ang nakayanan kong i-post ngayon. Pagpasensyahan nyo na. Nawa'y maging masaya ang inyong araw.
P.S.
Akala ko talaga ngayon ang Father's Day. Nagdadalawang isip ako kanina kung eto o isang pang Father's Day na post ang gagawin ko.
Binyag nga pala ng aking pamangkin na si Gabby (Her pictures was featured somewhere here) bukas. I hope to take more pictures. Golds, pa-send ulet pag nagkataon.(Kapal ko na talaga.)
I didn't plan taking those pictures. I just whipped out my phone and everything just went through. Oh, I enjoy my phone alot. I really, really enjoy it. Nakakawala ng stress sa work at sa mga bagay-bagay na iniisip at pinoproblema. ^_^
posted by Arn at 5:35 AM
|
<< Home