Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Saturday, May 21, 2005

Random Thoughts XII

Busy lang ako masyado (Ay, di naman pala masyado. O, pakiramdam ko lang na busy ako? Hehe Image hosted by Photobucket.com ..) kaya wala ako masyado ma-post. Tsaka ayoko matabunan yung previous posts ko tungkol sa Starbucks at Yellow cab kalokohan ko. Tingin ko kasi nakakatuwa yung mga pictures na kinuha ko. Siyempre yung topic din. Image hosted by Photobucket.com

Anyway, mga dalawa o tatlong araw na din akong naggu-google ng mga pwedeng tirahan para sa pinaplano naming gimik sa nalalapit na Hulyo. Ang hirap din magplano kasi wala naman akong kuneksyon at kakilala sa lugar na pwedeng tumulong sakin para magpa-reserve ng titirahan. Tsaka ngayon ko lang gagawin 'to sa tanang buhay ko. Dati pag nag-a-outing kami, eh may plano na o di kaya malapit lang sa bahay ng barkada ko ang tutuluyan namin. Ngayon, sariling hanap. Sariling inquiry.

Balitaan ko na lang kayo pag natuloy na yung lakad. Umayon sana samin ang panahon sa mga araw na 'yun. Tsaka dapat kasama ang mga dapat sumama. Image hosted by Photobucket.com

******************

Nakapagtataka na ang friendster account ko ay nakakakuha ng at least isang view kada araw. Hmm, sino kaya ang sumusulyap-sulyap sa aking hamak na profile at larawan dun Image hosted by Photobucket.com ? Hmm..

At, everyone, welcome imogen. He/She posted something in my tagboard. Nagtaka lang ako na para sa kanya ay fascinating yung stories dito. Kasi ang simple lang din naman ng mga nandito gaya ng ibang posts sa ibang blogs. Pero gayun pa man, salamat. Image hosted by Photobucket.com

Nahihiya din kasi ko pag mag nagche-check ng blog ko tas di ko kakilala. Image hosted by Photobucket.com

Sa bagay, ako din naman nagb-blog hop pag walang magawa dito sa office. Di nga lang ako nagpo-post ng message sa tagboard nila. Pero nakakalibang at nakikilala mo nga din naman yung may-ari nung site. Image hosted by Photobucket.com

******************

Ewan ko kung bakit pakonti ng pakonti ang iniinom kong tubig ngayon. Kung iisip, eh summer pa naman at pagkainit ng panahon. Nung umaga pa ang shift ko, halos 5 - 6 na tubig na nasa water container ko ang nauubos ko. Ngayon, eh, mga tatlo na lang. Maximum na yun, a.

Pinipilit ko talagang uminom ng madami. Di naman scarce ang mineral water. Haayy.

******************

Eto kwento ko lang bago ko pumasok kanina.

Medyo wala din ako tulog, eh. Mga 11 am ako dumating bahay. Kumain muna ko ng Lucky Me! Sotanghon bago matulog. Nanood ng konti ng tv. Medyo nga di ako inaantok kasi laging excited Image hosted by Photobucket.com ako pag padating na yung rest day ko. Pagising-gising din ako nung natulog na ko, eh.

Bumaba na ko sa kwarto ko ng mga 4:30 pm. Laging kasama ko sa pagbaba ko ng kwarto, eh yung gamit na dadalin ko pati na din yung radyo ko. Patugtog muna ako ng cd tas kumuha na ko ng lunch. O, 4:30 yan, a. Tapos, lunch. Pa'no nga ba naman ako tataba nyan? Image hosted by Photobucket.com

Nakikipagkulitan muna ko sa mga pamangkin koImage hosted by Photobucket.com , eh bago ko maligo. Bale, mga 2 oras ang pataan ko sa pagpe-prepare bago pumunta kung saan. Kain, inom ng kape, lakad-lakad muna sa loob ng bahay, kinig ng cd...

Medyo nagmadali pa nga ako kanina kasi baka umulan. Medyo nag-uuulan samin ng mga bandang alas 7, eh. Eh, ganung oras ako umaalis ng bahay.

Bago kasi ko lumabas ng bahay, eh andun muna ko sa kwarto ko at nakikinig ulit ako ng cd of choice ko. Mga 20 mintues yun. Nakaupo lang ako at kinukundisyon ang sarili ko sa pagpasok. Simula nung naging GY ang shift ko, isang malaking struggle sakin ang pagpasok. Naiisip ko na lalong nawala ang di-aktibo Image hosted by Photobucket.com kong social life. Inaantok na ko lagi. Mas naiisip ko na di na normal ang buhay ko. Yung mga ganyang mga bagay ba. In short, lalo kong na-miss ang mga bagay na di ko pa nagagawa at ngayon ay konti na lang ang oras para gawin pa dahil nako-consume nang lahat ng oras ng trabaho Image hosted by Photobucket.com . At mas napipili ko pang magpahinga kesa gawin ang mga bagay na mas gusto ko. Pero alam ko naman na isa-isa at unti-unti ko ding nalalampasan. Kasi sabi nga ng kaibigan ko na may way daw ako in coping and adjusting to certain things. Di ko lang daw napupuna. Image hosted by Photobucket.com

Paglabas ko ng pinto namin ay nasalisod ko yung konting tumpok ng buhanging nakatambak sa harapan namin Image hosted by Photobucket.com . Ginagawa kasi ang bahay ng kuya ko at iyon yung pinino nang buhangin na inihahalo sa simento. Binati pa nga ako ng kuya ko na kasalukuyang nate-text.

Pathway ang daanan palabas sa kalsada. Gabi-gabi ko ding nadidinig ang mga paniki na lilibut-libot sa puno ng artiles sa tapat ng aming bahay. Ngayon ko lang ulit sila pinagtuunan ng panahon kasi nakuha ko pang huminto sumandali para tingnan ang mga paniki.

Napansin ko din na iilan na lamang ang mga poste na may ilaw sa daanan. Noong panahon ng kampanya, proyekto at handog daw iyon ng isang kapitbahay naming tumakbo bilang konsehal. Nanalo na ngunit nalimot na ang mga poste na nakatiwangwang na lamang. At isa ako sa mga napaniwala niya. Hay, ba't nauwi sa pulitika 'to? Image hosted by Photobucket.com

Madilim at mas lalong nagmukhang nakakatakot ang kawayan sa may kanto ng pathway. Nilalamon nito ang liwanag ng kalangitan kaya't bahagya ko lamang nakikita ang aking sariling anino. Ang katawan nitong lumalangitngit sa pag-ihip ng hangin ay animo huni ng kung anuman mula sa ilalim ng lupa. Tampulan din kasi ng mga nakakatakot ng isatorya ang kawayanang iyon. Madilim at medyo masukal ang bakuran na kinalalagyan noon. Kung magmamadali kang lumakad samin ay apat na bagay ang maaaring mangyari sayo. Una, makabangga ka ng kasalubong mo, tao man na naglalakad, naka-bisikleta o aso. Ikalawa, malusot ka at matapilok sa mga bako at butas sa daanan Image hosted by Photobucket.com . Ikatlo, masagi ka sa siit ng kawayan o ang iniiwasan kong mabunggo ang aking mukha sa nakausling bakal sa may pader. Ngunit higit sa lahat, ang ikaapat na posibiladad ang pinakaiiwasan ko. Ayokong maka-jackpot. Jackpot as in jebs, ebak, tae, poopoo, tachi, ipot Image hosted by Photobucket.com . Minsan nagkalat dun. Di ko malaman kung sa hayop nga ba nanggaling o sa tao mismo. Nakaporma ko tas biglang *masigabong tunog na mas masigla pa sa Wowowee* bibigat ang sapatos ko at makakaramdam na lang ako ng may madulas sa swelas ko. Ayoko namang luluwas ako ng nangangmoy sa fx o bus. Nakakadiri naman yun. TO (turn off)! Image hosted by Photobucket.com

Fast forward tayo. Kasi sumakay lang naman ako ng fx at mrt nun. Tapos, bumili ng spaghetti at hamburger sa Wendy's para pang-dinner ko.

Eto ko ngayon sa office, 2 at kalahating oras pa ang binubuno bago umuwi. Ay, di pa pala ko uuwi. May bibilin ako sa Glorietta maya-maya. Sayang at di ako makakapunta sa book launching ng Beerkada Image hosted by Photobucket.com . Daan na lang ako ng maaga sa Powerbooks - Greenbelt kasi dun ang venue. Eh, baka maaga sila mag-set up.

******************

Ibabahagi ko lang din sa inyo ang dalawang email na ipinadala sakin kahapon. Yung una ay galing kay Chiela, barkada ko mula college. Yung sumunod mula kay Anne, teammate ko na kakalipat lang ng ibang team (ang gulo).

Subject: WHAT IF YOU HAD FOUR WIVES

WHAT IF YOU HAD FOUR WIVES(see below-end message)

Once upon a time there was a rich King who had four wives. He loved the 4th wife the most and adorned her with rich robes and treated her to the finest of delicacies. He gave her nothing but the best.

He also loved the 3rd wife very much and was always showing her off to neighboring kingdoms. However, he feared that one day she would leave him for another.

He also loved his 2nd wife. She was his confidant and was always kind, considerate and patient with him. Whenever the King faced a problem, he could confide in her, and she would help him get through the difficult times.

The King's 1st wife was a very loyal partner and had made great contributions in maintaining his wealth and kingdom. However, he did not love the first wife. Although she loved him deeply, he hardly took notice of her!

One day, the King fell ill and he knew his time was short. He thought of his luxurious life and wondered, "I now have four wives with me, but when I die, I'll be all alone."
Thus, he asked the 4th wife, "I have loved you the most, endowed you with the finest clothing and showered great care over you. Now that I'm dying, will you follow me and keep me company?" "No way!", replied the 4th wife, and she walked away without another word. Her answer cut like a sharp knife right into his heart.

The sad King then asked the 3rd wife, "I have loved you all my life. Now that I'm dying, will you follow me and keep me company?" "No!", replied the 3rd wife. "Life is too good! When you die, I'm going to remarry!" His heart sank and turned cold.

He then asked the 2nd wife, "I have always turned to you for help and you've always been there for me. When I die, will you follow me and keep me company?" "I'm sorry, I can't help you out this time!", replied the 2nd wife. "At the very most, I can only walk with you to your grave." Heranswer struck him like a bolt of lightning, and the King was devastated.

Then a voice called out: "I'll go with you. I'll follow you no matter where you go." The King looked up, and there was his first wife. She was very skinny as she suffered from malnutrition and neglect. Greatly grieved, the King said, "I should have taken much better care of you when I had the chance!"

In truth, we all have the 4 wives in our lives:Our 4th wife is our body. No matter how much time and effort we lavish in making it look good, it will leave us when we die. Our 3rd wife is our possessions, status and wealth. When we die, it will all go to others. Our 2nd wife is our family and friends. No matter how much they have been there for us, the furthest they can stay by us is up to the grave. And our 1st wife is our Soul. Often neglected in pursuit of wealth, power and pleasures of the world. However, our Soul is the only thing that will follow us wherever we go.

Image hosted by Photobucket.com


Cultivate, strengthen and cherish it now, for it is the only part of us that will follow us to the throne of God and continue with us throughout Eternity. Thought for the day:Remember, when the world pushes you to your knees, you're in the perfect position to pray.

Pass this on to someone you care about - I just did

----------

PITONG GININTUANG ARAL NI MARIO Image hosted by Photobucket.com

si mario ang idol ko.

kumakain ng gulay, pumapatay ng mga masasamang pagong, hindi nalulunod, nakakasakay sa mga dinosaurs, nakakapagbuga ng apoy, matinik sa tsiks, mayaman, maraming buhay, lumilipad, mabilis, bibo, kayang sumira ng hollow blocks gamit ang ulo at higit sa lahat, napapatay niya ang mga kalaban hindi dahil sa lakas ng katawan, ngunit dahil isa siyang astig na nilalang.

para sa akin, nagawa na ni mario ang lahat.

umakyat siya ng mga matatayog na bundok, nilusob niya ang mga haunted house na puno ng impakto, inaabot niya ang ulap, nagsscuba diving, naninira ng mga kaharian. ginawa na niya ang mga pwede pang gawin ng ibang mga characters sa laro.

hindi lang si mario ang nagsilbing inspirasyon at ang training ko sa paglalaro ng video games, pero kahit sa buhay, siya ang naging idolo ko.

1) tinuruan ako ni mario kung paano magmahal.

baket ba parating hinahabol ni mario si koopa? isa lang naman talaga ang dahilan, kinikidnap ni koopa ang kanyang minamahal, si princess toadstool. taenang koopa yan, ano kayang gusto niya don sa babaeng yon? di naman niya nirarape.. skwater, nagpapahabol lang talaga siya kay mario. pero ayon, si mario, ginagawa ang lahat para lang maligtas ang kanyang minamahal.. kung walang pagmamahal si mario sa katawan niya, taena, hinayaan na niyang mamatay o marape dati pa si princess toadstool. tinuruan ako ni mario na ganon dapat magmahal. kung mayroon kang taong iniibig, gagawin mo ang lahat, lulusubin mo ang kung ano man para sa kanya.

may nakukuha ba si mario sa princess pag naliligtas niya yon? wala. walang pera, walang buhay, walang extra stage. kiss lang. matapos ang lagpas 20 na worlds at mga sampung stages bawat world, kiss lang ang binibigay sa kanya. pero sa tingin niyo ba nagrereklamo si mario? hindi. kasi ganon ang pagmamahal, dapat gawin mo ang lahat ng makakaya mo, at wag kang umasa ng kapalit, wag ka umasa ng bayad. umibig ka ng parang hindi ka pa umiibig buong buhay mo, kung magmamahal ka na rin, mahalin mo na ng lubusan.

si mario ang nagturo sa akin niyan.

2) pag may tiyaga, may nilaga.

si mario ang pinakamatiyagang character na nakita ko. dadaanan niya ang lahat, kukunin niya ang mga pwedeng makuha, kakainin niya ang kahit na anong gulay, sasakyan niya ang kahit na anong dinosaur basta lang makakatulong ito sa kanya. kung ako si mario, matagal ko nang hinayaan si princess toadstool at naghanap nalang ako ng ibang babae. meron naman sigurong ibang babae sa mundo niya. puta, hasel naman yon kung wala.

nagtiyatiyaga si mario para makakuha ng isang daang ginto. isang daang ginto para sa isang buhay. pinagtiyatiyagaan niya ang pagkuha ng 100 lives doon sa isang stage na kailangan mo ng dalawang pagong. kung hindi niyo alam yon, kunin niyo nalang yung salita ko: MATAGAL YON. at hindi lang basta basta nagagawa. ilang ulet kong ginawa yon para lang makuha ng tama. pero si mario, kahit ilang ulet, pagtiyatiyagaan niya, at sa pagtiyatiyaga niyang iyon, nakakuha siya ng maraming buhay.

3) pinakita niya sa akin ang totoong ibig sabihin ng brotherhood.

hindi masyadong halata sa game, kasi parati silang nagsasalit ng pagkakataon maglaro, pero nagpakita si mario ng matinding sense ng brotherhood. napakita niya rin na nirerespeto niya ang kanyang kapatid.

kasi ganito ang storya niyan, si mario, kulay blue talaga dapat ang costume, diba red and blue siya? dapat pure blue lang yon. kaya lang, si luigi kasi, sobrang gusto ang green. nagpumilit si luigi na green dapat ang sa kanya.. hindi nakipagaway si mario, hindi siya nagpumilit, siya ang nagpalit ng kulay. ngayon, baket kailangan niyang magpalit? kasi, alam nila ang ateneo lasalle rivalry, e ayaw ni mario sumalungat, kaya gin awa nalang niyang red.

ganon niya kamahal ang kanyang kapatid. sinasakripisyo niya ang gusto niyang kulay para lamang sa ikasasaya ni luigi.

astig talaga si mario.

4) siya ang dahilan kung baket ako kumakain ng gulay.

ilang beses na akong pinapakain ng gulay ng nanay ko noong bata pa ako. pero kahit anong gawin niya, ayoko talaga. nung binigyan niya ako ng family computer at super mario, dun lang ako nagsimula kumain ng gulay. si mario kasi ang naginspire sa akin.
pag kumakain si mario ng mushrooms, lumalaki siya. pag kumakain siya ng bulaklak, bumubuga siya ng apoy. tapos ginagamit niya ito para matalo ang mga kaibigan. ang galing kasi napasok pa ni mario na ang mga gulay, importante para matalo natin ang sarili nating mga "monsters" sa buhay. napasok niya rin ang ideya ng healthy diet. inam.

5) dapat na maging tao tayo ng mundo.

lahat ng parte ng mundo, napuntahan na ni mario. bulkan, patag, dagat, bun dok, ulap. parang pinapakita niya sa atin na dapat maging mas malawak ang alam natin sa kapaligiran. hindi dahil nasa patag ka, at komportable ka don, dun ka na parati.. porke taong bundok ka, hindi ka na lalangoy sa dagat.

sinasabi ni mario na dapat alam natin ang lahat ng posibleng lugar at maging ok tayo doon. pareho lang dapat ang pagtalon natin sa bulkan man o sa patag.
matalinhaga ang linya na yan, hindi naman siguro kayo tanga para hindi makuha yan diba? haha.
6) ang paggamit ng mga bagay sa paligid ay importante sa sariling paglusong.

ang resourcefulness ng tao. ginagamit ni mario ang mga bagay sa kanyang kapaligiran para sa sarili niyang kabutihan. naiisip niya na pwede palang gamiting ang shell ng pagong para pampatay sa iba pang pagong. nakita niya na pag nahawakan niya ang bituwin, magiging imposible siyang tablan ng mga halimaw.

pinagmasdan niya ang kapaligiran at nakita itong makakatulong sa kanya.

7) ang panghuli, ang paggamit ng utak.

nakita niyo naman na si mario, hindi nakikipagsapakan. hindi gumagana ang apoy niya sa mga boss. pero natatalo parin niya ang mga ito.
pano niya nagagawa yon kung wala siyang lakas ng braso at mga armas?
pinapagana niya ang makinarya sa utak niya. ginagamit niya ang lahat ng kanyang natutunan at kaalaman.

dito na pumapasok ang lahat ng konsepto. nadadala siya ng pagmamahal niya sa kanyang princessa. binubuhos niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa kanyang mahal. hindi basta bastang namamatay si koopa, kaya talagang kailangan niya itong pagtiyagaan. kumukuha rin siya ng lakas ng katawan at isipan sa kanyang kapatid. inaalala niya ang pagkapula ng suot niya at naaalala niya ang kanyang pagmamahal kay luigi. ang pagkain niya ng gulay ang naghahanda sa kanya sa pagsubok na ito. binibigyan siya ng lakas ng katawan at tatag ng tuhod. ang pagiging tao ng mundo ay ang naghasa sa kanya p ara makaaksyon at makapagisip siya, kahit sa mga hindi komportableng sitwasyon. at ang paggamit niya ng bloke sa paligid o ang pagbalik ng mga tira sa kalaban ay nakikita niya dahil siya ay magaling magmasid ng kapaligiran.

ang galing talaga ni mario, at hindi dapat ito basta basta lang kinakalimutan o hinahayaan.


**Nag-reply ako sa email na 'to tungkol kay mario. Eto ang isa sa natutunan ko : Natutunan ko kung PAANO MAGMAHAL SA SARILING BANDILA. Di ba tumatalon si mario at aabutin yung flag bago matapos yung isang stage tas papasok siya dun sa palasyo? Image hosted by Photobucket.com

******************

Ngayon, kasalukuyan akong kumakain ng KFC BBQ Burger.

Happy weekend to you! Happy rest day to me!


Image hosted by Photobucket.com


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 5:27 AM