Accdg. to a certain website, this was my pastlife...think about this, "Life may not be the party we hoped for. But while we're here, we might as well dance." So, shall we?
Unstable Dancer
Layout by goldi
Tuesday, May 24, 2005

Quince

Ang post na ito ay hango lamang mula sa blog ni Mitch . Natuwa kasi ko nung nakita ko kaya ginaya ko. Hi, Mitch! Sana ok lang. Hehe.

The Rules:
1. Write something about 15 different people.
2. You can NOT say who they are.
3. If someone asks you which one is about them, you can NOT tell.


1. Kay sarap gawin ng bagay na gusto mo, na ikalilibang mo. Na kahit pa trabaho o takda sa eskwela, di mo namamalayan na nagdaraan na. Lumilipas ang panahon na wari mo'y naglalaro ka lamang. Sa Iloilo ngayo'y nananahan. Salamat sa pagsabi na sana'y minsan maranasan mong lahat ng kami'y kasama. Ngunit kami'y mas magpapakaligaya sapagkat ika'y may tinatapos pa na gawain sa eskwela.

2. Magnakaw man lang ng isang oras na ang mata'y puminid. Kay sarap na pahinga maski na gising sa kabuuan ng gabi. Ngunit iniaayos ko pa lamang ang kutson na aking hihigan ng biglang may halos tatlong magkakasabay na tunog ang lumabas mula sa iyong malay na naalimpungatan. Ang iyong utot, nakayayamot.

3. Kapag kuwa'y naiisip ko rin kung mas maswerte ka kaysa sa akin. Mas nakuha ko ang mas maraming pabor noon, sa aking palagay. Ngunit ngayon ay tila mas masaya ka sa iyong kinalalagyan.

4. Andyan ka na naman... tinutukso-tukso ang aking puso. Isang ngiti mo lang at ako'y napapaamo. *parang kanta ata 'to, a*

5. Bago pa man ang iyong paglalakbay sa China at Thailand, sana'y magkaroon na tayo ng tamang panahon na magkita para mapag-usapan na ang mga bagay na dapat pag-usapan.

6. Liwanag man ng buwan ay kumubli sumandali sa mga ulap sa paligid, at ang iyong mga mata'y bigla na lamang lalamlam. Ang gabi ay may kalamigan. Buntong hininga man di kayang iwaksi ang nakaraan. Aking kamay iyong hawakan.

7. Yari man kung saan ang iyong pabalat, mas makikilala ka pa rin ng maigi kung ika'y hubad.

8. Ilang araw ko ring hinintay ang iyong pag-alala. Namuti na ang mata sa pagtitig sa isang plorera. Kung may bulaklak man na doo'y nakalagak, may bubuyog pa kayang lalapit sa iyong talukap?

9. Sa himig ng ihip ng hangin ika'y batid. Sa ikot ng mga mundo ika'y nais mahabol. Kay bilis ng galaw sa bawat paghinga. Di ko man lamang namalayan na ako'y nilisan na.

10. Isang hikab sabay inat ng buto. Sinundan pa ng isang kamot sa ulo. Hala, sige. Humay ka't maligo.

11. Pag gising sa umaga'y ika'y mayroon nang kaaway. Maninipluhod sa pangakong di na uulit mag-iinay. Dahilan man ay isang lista, ngunit ganyan ka. Nakabubulahaw ang gawaing alinman sa dalawa.

12. Isang umaga habang tayo'y naglalakad ay puno ng kwento ang iyong madidinig na tila baga wala nang katapusan di lamang ang ating dinaraanan pati na rin ang lahat ng aking nais tandaan. Ilang araw na ba ang pinalipas bago ako'y ngumiti sa iyo ng makahulugan? At palihim pa rin akong sumusulyap sayo dala ng hiya at pag-aalalang di mo ako gusto kasama. Pero sa totoo lang, mas masarap ka pang tignan kaysa sa sorbetes na ating taban.

13. Huwag mo akong tingnan ng ganyan. Baka mamaya'y ang gawin ko'y maibigan.

14. Kay lawak ng dagat. Di ko abot tanaw maging ang kalaliman. Ang lalim na nagbabahay ng malalaki at may kaliitang isda. Kung ikaw man ay isa sa mga isdang nagsisimula pa lamang lumaki, nawa'y di ka pagtangkaang lamunin ng malaking isdang iyong makakasalubong. Masakit ngunit totoo. Peligro sa maliliit ang mas malalaki.

15. Ang utak ay nilikha ng mas mataas kaysa sa puso para ito ang mas pahalagahan sa paggawa ng desisyon, anila. Ngunit sa tingin ko'y ang iyong sagot ay iba.


posted by Arn everybody's gone kung fu fightin at 6:03 AM