Ang Kumarir Ay Di Biro
Nung Miyerkules, Hunyo 15 ay nag-OT kaming mga 12 am ang shift ng 2 oras para mag-tour at mag-test calls sa bago naming building. Di naman kalakihan yung building kaso iba pa rin yung nakapunta ka na bago pa mismo yung dun mo na agad sisismulan yung shift mo. Ang hirap maghanap ng station.
Maaga akong dumating, as usual. Di na ko sa may mall bumili kasi di ko din alam yung pantry sa bagong buiding. Naisip ko kung pano ko kakainin yung binili ko pag di ko alam kung saan ako kakain. Kaya naman dun na lang ako sa McDo sa ground floor ng building namin bumili. Bale ganito yung itsura ng building namin.
Sa kaliwa nyan, andun yung Mcdo. Sa bandang kanan naman yung KFC, Tokyo Tokyo, Kamera World. May mga tinatapos pa ding mga pwesto sa tabi ng mga ito.
Kuha bago ako tumawid papunta sa entrance. Ngayon ko lang din kasi nakita yan. Kahit na nung ginagawa pa lang sya, eh di ko man lang nakita. Kaya maski pwesto ng gusali ay di ko alam. Mukhang mall ano? Sa 2nd floor nyan yung parking area. Ang team namin ay nasa 5th floor - ang lugar kung saan andun ang president, directors, at mga matataas na tao. Ito din bale yung showcase floor kung may prospective client na bumisita kaya kailangan na super linis. Ngayon naman ay nakakapag-Tagalog pa kami sa floor. May EOP o English Only Policy kasi dito once nasa station ka. Pero syempre din ako nag-i-Ingles. Haha! Di ako sanay.
Tapos, nung nakita ko yung isang hilerang mga workstations, naku! Nakakaduling. Kung bago ko malamang maligaw ka. Para kang nasa malaking grocery na nalilito ka sa mga columns nung items. Para kang nasa Japan at dumidiskubre kayo ng bagong piyesa ng panibagong modelo ng kotse. Eto mas malapit-lapit. Para kang nasa pelikula na suspense/thriller. Yung tipong nakatayo ka sa isang malaking warehouse o lobby ng hotel at may nararamdaman kang kakaiba. Yung tipong may nagmamasid sayo. Tapos di mo alam na palapit na siya ng palapit at bigla kang susunggaban hanggang magsakalan kayo.
Ayan ang resibo ng unang pag-bogchi ko sa PSC (PeopleSupport Center). Maaaninag nyo dyan kung ano ang lagi kong ino-order sa kanila. Ay, hindi pala siya kita. At ang kinain ko? Ano pa? Eh, di Value Meal# 6, yung pinakamura. Pero pinapa-go big time ko naman yun, a.
Ang hirap talaga pag wala ka nang choice kung ano ang kakainin mo? Kasi sa bahay 2 beses lang ako kumakain. Pagdating ko sa umaga, nagluluto ako ng instanto noodles o instant carbonara. Tapos, sasamahan ko ng pan de sal. Paggising ko naman sa hapon, kakain ako. Bale, tanghalian ko na yun. Pagpasok ko naman sa trabaho, bibili ako ng pagkain sa mall at dadalin ko sa pantry. Yun na ang hapunan. Usually, ang hapunan ko ay alin sa mga ss: McDo o Jollibee, fried sharksfin with rice ng Paotsin at yung ibang mga food stalls sa SM foodcourt. Banggitin ko na para patas sa lahat : Chicken Company, Pinoy Toppings, Wei Luan, Wendy's, Greenwich o Mr. Kimbob. Masarap naman sila. At ilan sa mga ito ay 2 na ang ulam, may rice, soup at pancit. Solb na kumbaga.
Pagdating naman ng lunch ko dito sa office, mga 3:30 am yun, di na ko kumakain. Nung andun pa kami sa Philam, natutulog na lang ako. Ngayon dito sa new building, di pa gawa yung sleep room kaya nakatunganga lang ako sa station ko at nagse-surf. Ayoko naman bumaba kasi ang layo ng bilihan. Di pa naman 24x7 yung mga kainan sa baba. Tsaka ang nag-iiba lang ay yung binibilihan ko ng pagkain. Pero ang klase at lasa ng pagkain ay halos pareho na. Iba lang ang tatak at medyo may diperensya sa presyo pero yun din ang dalang lasa.
Medyo nagrereklamo lang naman ako. Kasi ayokong magbaon para di na magluto ang nanay ko. At para wala ng uurungan pa at disposable na lang ang gamit ko. Wala lang din akong iba pang bagong diskubre na kainan o bilihan. Ayoko namang bumili sa kainan na katumbas na ang pangtatlong araw kong baon o kaya'y pang-grocery na ng isang pamilya. Boring ba buhay ko? Hindi naman, di ba? Haay, ang hirap kumarir. Kailangan mong magtiis at masanay.
Noon namang nakaraang Biyernes, Hunyo 17 , nag-trip kaming kumain sa food court sa Philam. Nasa underpass na nga kami sa Ayala ay bumalik pa kami. Naisip din kasi naman na sa last day na namin sa Philam sa Biyernes ng gabi. Sarado naman ang foodcourt pag Sabado kaya yung oras na yun ang pinaka-ok na panahon para kumain.
Kaya ako, si Goldi at Ronchie ay bumalik muli sa building. Green Tomato na talaga ang usapan. At syempre ay in-order ko ay ang lagi kong binibili na spicy anchovy. Kaso hindi pizza special, sausage special. Imbes na pizza ang kasama ng pasta, eh sausage.
Ayan ang aking plato. Ang panulak ko, eh yung rootbeer in can. O, may straw p kong nalalaman ano? Haha!
Sa labas kami ng foodcourt kumain. Dun sa open air. Sabi ko kasi sa kanila na di ko pa na-try na kumain dun. Ayoko pa ngang kumain nun kasi sinabi ko na parang maje-jebs ako at sumasakit ang tiyan ko. Pero ang kinain ko pa rin ay mabigat sa tiyan. Ayun, nakarating naman ako sa bahay ng walang kirot ng tiyan.
Eto naman yung matapos naming maubos ang aming pagkain. Kumabaga sa panahon, dinaanan ng bagyo o nasapitan ng tagtuyot o el nino. Si Ronchie yang nakikita nyo sa larawan. Siya ang laging nagyayaya samin ni Goldi sa araw-araw na kumain sa labas bago umuwi. Ngayon lang namin ulit siya pinagbigyan. Nung una ay yung sa Yellow Cab (Check nyo na lang yung previous post). Eh, kami pa ang niyaya nya, eh matipid kami. Idagdag mo pa na iniisip ko muna kung may paggagamitan yung pera ko bago ko gastahin.
Wala naman akong angal. Di lang ako sanay na araw-araw na gumasta ng malaki. Tsaka kesa dun ko gastusin ang sobrang pera ko ay ibibili ko na lang ng cd o gamit. Trip ko din mag-try ng ibang pagkain sa ibang lugar. Yun, eh trip. Ibig sabihin na di lagi-lagi. Di naman ako lagi-laging nagke-crave. Di ba ganun naman kahit na saan? Sa eskwelahan, opisina, barkada kailangan mong makisama. Ayan, ang pakikisama - isa sa mga dahilan kung bakit ang tumutok sa karir ay di biro.
Ayan lamang po ang aking maibabahagi.
At isa pang punto, ang kumarir ng blog ay di biro. Di ko alam kung ba't nakakapag-post ako nga madami, may saysay man o wala. Malamang bored lang ako sa madaling araw.
Isang bored na nagugutom. Isang bored na napupuyat. Isang bored na nagba-blog hop. Isang bored na boring ang buhay kung tignan ng karamihan.
posted by Arn at 5:14 AM
|
<< Home